(Pag-Asa Sheltered Port Phase I. Photo courtesy of Kalayaan Mayor's Office)

Ā 

Malaking ginhawa para sa mga residente ng Pag-Asa Island, bayan ng Kalayaan ang pagkakaroon ng sheltered port sa kanilang isla.

Kung dati ay kinakailangan pa nilang sumakay sa isang utility boat mula sa laot patungo sa pampang ng isla, ngayon ay maaari nang dumaong ang kanilang mga lantsa na sinasakyan sa bagong tayong pantalan.

“Sobrang laki ng tulong ng pantalan na ito sa amin dito sa Pag-asa Island. Dati ang mga barko o lantsa na sinasakyan kailangan pang tumigil sa malalim na bahagi at sasakay kami sa bangka para lang makarating sa baybay,” sabi ni Joely Mendoza, isang residente sa lugar.

Dagdag niya, isang napakalaking advantage para sa mga kagaya niyang residente ng kalayaan na unti-unti ng nararamdaman ang mga proyekto ng pamahalaan sa isang napakalayong bayan mula sa mainland Palawan.

Natapos na ang Phase 1 ng nasabing proyekto na ayon kay Mayor Roberto Del Mundo ay magdudulot ng mabilis na pagunlad ng Kalayaan, dahil sa mabilis na pag-galaw ng ekonomiya at mga karagdagang infrastracture project.

“Sa totoo lang di natin akalain na magkatotoo na magkaroon tayo ng Pantalan sa Kalayaan. Nakikita na natin ang katuparan,” sabi ni del Mundo.

Nagpapasalamat si del Mundo sa pamahalaang panlalawigan na ipinagkatiwala ng Department of Transportation(DOTr) ang implementasyon ng proyekto sa Provintial Government of Palawan.

Ayon naman kay Municipal Planning and Development Officer Dina Balofinos, ang pantalan ay magpapabilis ng pag-transport ng mga basic commodities para sa mga taga-Kalayaan.

Ang pantalan ay pinondohan ng Department of Transportation(DOTr) sa halagang P400 million, at isinakatuparan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan sa pangangasiwa ng Provincial Engineering Office.

 

About Post Author

Previous articleDepEd presentation on Palawan’s readiness for distance learning postponed
Next articleFormer Rizal mayor and high-value drugs target arrested in Brooke’s Point
is the news correspondent for Sofronio EspaƱola and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.