Larawan mula sa 1st PPMFC.
- Advertisement by Google -

Pinasinayaan sa loob ng kampo ng 1st Palawan Provincial Mobile Force Company (1st PPMFC) ang kanilang bagong gawang inter-faith chapel, mini gym, at motor pool sa Sitio Panisiran, Pulot Center sa bayan ng Sofronio Española, araw ng Biyernes, July 15.

Ayon kay P/Cpl. Ace Rigor Abian, ang siyang police community relations officer, ang mga bagong proyekto na ito ay bahagi ng 1st PPMFC development sa loob ng kanilang kampo na malaking bagay na siyang magagamit ng kanilang hanay.

“Bahagi po ito ng mga magagandang development ng 1st PPMFC upang mas higit pa nating mapaglingkuran ang ating mga kababayan dito po sa timog Palawan,” pahayag niya.

Dagdag ni Abian, bahagi rin ito ng patuloy na magandang pakikipag ugnayan sa kanila ng kanilang mga stakeholders upang maisakatuparan ang mga magagandang proyekto ng 1st PPMFC sa buong southern Palawan.

- Advertisement -

“Ang mga magagandang development na ito ay sa leadership din po ng ating acting force commander P/Lt. Col. Grace Vic Gumba, na unti-unti pong magkaroon tayo ng mga kapaki-pakinabang na mga projects sa 1st PPMFC,” dagdag niya.

Samantala, naging host din ang 1st PPMFC sa nagpapatuloy na sports fest activity sa kanilang kampo sa Panisiran na magtatapos ngayong buwan ng Hulyo. Nilahukan ito ng mga municipal police stations (MPS) sa timog Palawan sa pakikiisa nito sa Police Community Relations Month.

About Post Author

- Advertisement by Google -
Previous articleDepEd says uniforms not required for this coming school year
Next articleCity government to establish gasoline station in 2023
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.