(Larawan mula sa BPDJ)

Bilang bahagi ng pangangalaga sa kalusugan ng mga persons deprived of liberty (PDL) na nakapiit sa Brooke’s Point District Jail (BPDJ), namahagi ng mga gamot ang Department of Health at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng Brooke’s Point.

Ang pamamahagi ng gamot, partikular ng multivitamins ay kaugnay ng pagtugon ng mga nabanggit na ahensiya ng pamahalaan sa pandemyang dulot ng COVID-19 kung saan, may kabuuang 398 PDL ang nabiyayaan.

Ayon kay Jail Officer 1 May Rose Rosel, patuloy na tinitiyak ng pamunuan ng BPDJ na maayos ang kalusugan ng mga PDL na nasa BPDJ, lalo ngayon na may kinakaharap na banta ng COVID-19 dahil may karapatan pa rin umano ang mga ito na mapangalagaan partikular ang kanilang kalusugan.

Dagdag ni Rosel, araw-araw ay may nakalaang ding oras ang mga PDL para makapag-ehersisyo upang mapalakas ang kanilang immune system at maalagaan ang kanilang pangangatawan.

- Advertisement -

“Along with humane safekeeping of our PDLs, BJMP is committed in providing them with efficient jail services, including their health management and monitoring as part of BJMP mission and Jail Officer’s duty. Tinitiyak ng BPDJ sa pamumuno ng ating Jail Warden na si J/SInsp. Darwin Motilla na ligtas silang lahat,” pahayag ni Rosel noong Miyerkules, August 11.

Sa kasalukuyan ay mayroong 370 lalaki at 28 babaeng PDL ang nasa kanilang pangangalaga.

Previous articleDA-PhilRice esteemed for efforts in RCEF
Next articlePH-USA joint training enhances country’s maritime law enforcement capabilities
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.