Home POLITICS & GOVERNANCE Municipality Mga paaralan sa Rizal nakatanggap ng ayuda mula sa pamahalaang lokal

Mga paaralan sa Rizal nakatanggap ng ayuda mula sa pamahalaang lokal

1
0
Namigay ng mga school supplies sa mga estudyante ng Rizal, Palawan ang pamahalaang bayan || Larawan mula kay Mira Chie Montaño

Nakatanggap ng ibat-ibang school supplies ang lahat ng mga elementary at high school sa bayan ng Rizal mula sa pamahalaang bayan noong Lunes, Hunyo 21.

Ang mga school supplies na kinabibilangan ng 20 boxes ng bond paper at 100 piraso ng iba’t-ibang kulay ng ink, 10 boxes ng chalk at dalawang boxes ng brown envelop bawat iskwelahan sa dalawang distrito ng Rizal ay personal na inihatid ni Mayor Otol Odi.

Ito ay bilang pagsuporta ng pamahalaang lokal sa mga estudyante habang itinataguyod ang kanilang pag-aaral sa ilalim ng distance learning program sa gitna pa rin ng pandemya.

“Namigay tayo ng school supplies sa ating mga elementary at high school para sa mga mag-aaral at sa mga guro natin. Hangarin ko na mapataas ang edukasyon ng mga estudyante sa kabila ng pandemya at pagsubok na kinakaharap ng ating mga guro, mag-aaral at mga magulang,” pahayag ni Odi ngayong Biyernes, Hunyo 25.

Samantala, noong araw din na iyon ay nagkaloob din si Mayor Odi ng mga bag para sa mahigit tatlumpong mga katutubong estudyante sa sitio Malakibay sa Barangay Punta Baja bilang bahagi pa rin ng suporta ng pamahalaang lokal sa mga mag-aaral dito.

Ang bag ay naglalaman ng mga papel, lapis at crayon na magagamit nila sa pag-aaral sa loob ng kanilang mga tahanan.

Noong Hunyo 23 naman ay namahagi rin si Odi ng foodpacks kabilang ang bigas sa mga pamilyang katutubo sa barangay Bunog.

Ayon kay Odi, bagamat walang face to face interaction ang mga mag-aaral ngayon, sa pamamagitan nito ay maramdaman pa rin ng mga bata na magsumikap sa kanilang pagaaral sa tahanan sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng learning materials.

Previous articleLalaki sinunog ang bahay sa Taytay dahil sa sama ng loob sa kinakasama
Next articleConstruction ng central terminal sa bayan ng Narra sinimulan na
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.