Nasa 50 na organisasyon ng mga magsasaka sa bayan ng Rizal ang mapapasailalim sa programang Livelihood Assistance on Agricultural Development (LAAD) ng munisipyo bago magtapos ang 2020.

Sa talaan ng Municipal Agriculturist Office (MAO), nasa 30 na ang naging benepisyaryo ng programa at mayroon pang 20 organisasyon na makikinabang din bago matapos ang Disyembre.

Sa ilalim ng nasabing programa, ang mga farming organization ay nakatanggap ng mga iba’t-ibang farm inputs katulad ng fertilizers, certified seeds, at insecticides na umaabot sa tig-P25,000 ang halaga.

Ayon kay municipal agriculturist Henry Palarca noong Sabado, ang programang ito ay direktang inisyatibo ng LGU na naglalayong mapalakas ang mga magsasaka ng palay sa bayan ng Rizal at mapataas ang kanilang harvest production.

“Bago mag-end ang December, tapos na natin ito lahat. Nasa 50 organizations mayroon tayo sa Rizal at lahat yan ay benipisyaryo ng ating programa. Binibigyan natin sila ng inputs at pagpupulungan yan ang grupo nila kung paano mapapalago para lahat ng members nila ay makikinabang,” Palarca said.

“Sabihin natin yong abono, ang binhi, at mga insecticides, big help yon sa kanila, direct tulong talaga ito ni LGU. At ngayon sa Rizal, cropping na rin, so ibig sabihin marami ang makikinabang dito,” he added.

 

About Post Author

Previous articlePPC and Bataraza are remaining holdouts of COVID-19 cases
Next articleDTI improves loan application process for small and medium businesses
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.