Ang mga kabataang nagsanay sa personality development, leadership, at organizational management

SAN VICENTE, Palawan – May kabuuang 40 kabataan ang sumailalim sa limang araw na pagsasanay na isinagawa ng lokal na pamahalaan hinggil sa personality development, leadership, at organizational management,

Ang pagsasanay ay nagsimula noong araw ng Lunes, Mayo 10, sa Palawan State University (PSU) San Vicente Campus. Ito ay nilahukan ng mga Sangguniang Kabataan chairpersons, youth organization leaders, youth volunteers, at advocates.

Pinangunahan ni Arnel Presto ang pagsasanay tungkol sa personality development, leadership at organizational management noong unang araw.

Si Flora Mandolado, GAD focal person ng San Vicente, ang tumalakay ng usaping gender sensitivity sa pangalawang araw.

Si Municipal Social Welfare and Development Officer Jennilyn C. Laro naman ang naging resource speaker patungkol sa mental health awareness samantalang ang mga usapin hinggil sa COVID-19 at teenage pregnancy ay tatalakayin ng mga kawani ng Municipal Health Office na sina Ma. Luz Bigoy at Joicee Llanzana.

“Dito sa ating Training of Trainers (TOT) ay sinasanay natin ang ating mga participants na maging epektibong resource persons and facilitators para sa cascading at roll-out ng mga usapin doon sa ibaba. Pagkatapos ng limang araw na pagsasanay ay pupunta kami sa mga barangay upang ibahagi naman ang mga kaalaman sa kapwa kabataan,” pahayag ni Karen V. Andonga, local youth development officer-designate.

Sa pamamagitan ng pagsasanay ay nabibigyang pagkakataon ang mga kabataan na maging katuwang ng lokal na pamahalaan sa pagbabahagi ng wastong kaalaman sa kapwa kabataan sa barangay. Nakatakdang tumungo sa mga barangay ang mga kabataang ito sa susunod na linggo upang magsagawa ng IEC kung saan kanilang inimbitahang maging kalahok ang mga kabataang nasa Grade 7 hanggang Grade 12.

Dagdag ni Adonga, mahalagang maipabatid ang wastong impormasyon patungkol sa naturang mga usapin dahil sa mga kabataang dumaranas ng depresyon, identity crisis at iba pa. “Marami pa rin sa mga kabataan natin ang hindi naiintindihan ang kahalagahan ng minimum health protocol at ano nga ba ang kailangang pag-iingat pagdating sa COVID-19,” aniya.

Isinama rin dito ang gender sensitivity kasi pinaka-crucial stage ng mga kabataan ngayon ang identity crisis natin,” dagdag ni Andonga.

Tiniyak din niya na kanilang isasaalang-alang ang mga umiiral na health protocols upang maiwasan ang posibleng hawaan ng COVID-19.

Previous articleSupply ng tubig sa Culion, mahina ngayon dahil sa tagtuyot
Next articleMarines, cops initiate Mother’s day activities in El Nido
is the correspondent of Palawan News in San Vicente, Palawan. He also covers politics, government policies, tourism, health and sports. His has interest in travelling and exploring different places and food.