26.8 C
Puerto Princesa City
- Advertisement -spot_img

Breaking News:

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries...

Mga kursong may kaugnayan sa AI available na sa TESDA Online Program

Maaari nang mag-enroll ang mga Pilipino sa mga libreng kurso tungkol sa artificial intelligence (AI) matapos ilunsad ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang mga bagong online training program nito upang palakasin ang digital skills ng mga manggagawa.

Noong May 26 inanunsyo ng TESDA na available na ang mga AI course sa TESDA Online Program (TOP) sa pamamagitan ng pakikipagtulungan nito sa UNESCO-UNEVOC at HP Foundation.

Kabilang sa mga kursong maaaring kunin ang pagpapakilala sa mga konsepto ng AI, responsableng paggamit ng AI, at mga praktikal na aplikasyon nito sa negosyo at iba pang gawain sa trabaho.

Upang makapag-enroll, kailangan lamang gumawa ng account sa TESDA Online Program, mag-log in, at piliin ang kursong nais kunin. Pagkatapos nito ay maaaring piliin ang nais na module at i-click ang “Enroll me in this course” sa administration panel.

- Advertisement -

Maaaring ma-access ang mga kurso sa pamamagitan ng website ng TESDA gamit ang desktop computer o sa TOP Mobile app para sa Android at iPhone.

Bukod sa AI courses, nag-aalok din ang TESDA ng iba pang libreng online courses tulad ng content creation para sa social media, graphic design, digital marketing, gender and development, human health, at beauty care.

Libre ang pag-enroll sa TESDA Online Program at makatatanggap ang mga mag-aaral ng certificate of completion matapos tapusin ang kurso. Maaari rin silang sumailalim sa face-to-face assessment para sa national certification sa mga TESDA-accredited assessment center sa buong bansa.

Ayon kay TESDA Secretary Jose Francisco Benitez, mahalagang matiyak na handa ang mga Pilipino sa mga pagbabagong dulot ng teknolohiya.

Ang UNESCO-UNEVOC ay ang itinalagang sentro ng UNESCO para sa technical and vocational education and training (TVET) na tumutulong sa mga bansang kasapi na palakasin at pagbutihin ang kanilang mga sistema ng teknikal at bokasyonal na edukasyon.

- Advertisement -

Latest

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries...

13-oras na brownout sa ilang bahagi ng Puerto Princesa sa October 25

Mawawalan ng kuryente nang 13 oras ang ilang bahagi...
spot_img
- Advertisement -
- Advertisement -

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan under its Barkada Franchise Financing (BFF) loan program, encouraging members to pool their loan proceeds...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries Inc. to provide professional psychological support to survivors and families affected by the September 9...

Pag-IBIG members, puwedeng nang gamitin ang cash loan bilang pambayad sa hospital bills sa ACE Medical Center

Maaari nang gamitin ng mga miyembro ng Pag-IBIG Fund ang cash loan program ng ahensya para makatulong sa pagbabayad ng gastusing medikal sa ACE...
spot_imgspot_img