Bangkang ginamit ng mga suspect laman pa ang mga pinagbabawal na gamit sa pangingisda.

Apat na lalaki ang nakatakas matapos na habulin ng tauhan ng Coast Guard Sibaltan Sub-station sa karagatang sakop ng Binulbulan Island, Barangay Casian sa bayan ng Taytay noong Biyernes ng umaga, Abril 23.

Sa pahayag ni Lt. Sg. April Bernal, acting station commander ng Coast Guard El Nido Station, nagsasagawa ng pagpapatrolya ang kanilang tropa sa lugar nang mapansin ng mga ito ang isang bangka na walang pangalan at tinangkang lapitan para sitahin.

“Mga 10:30 ng umaga, nagsagawa sila ng maritime patrol. Tapos nakita nila ‘yung bangkang suspicious at noong nilapitan nila, binilisan ng bangka ang takbo saka tumakas,” ani Bernal.

Sinundan pa ito ng mga Coast Guard hanggang sa makarating sa pangpang ng Binulbulan Island. Naunang bumaba ang tatlo sa apat at nagtakbuhan patungo sa bundok, habang ang isang lalaki umano ay naglabas ng itak at binutas ang bangka bago tumakbo patakas.

“Walang naabutan sa kanila. Naiwan lang ang mga gamit nila saka ang huli nilang isda,” dagdag ni Bernal.

Maliban sa mga nakuhang mga gamit ng apat sa bangka, sinabi rin ni Bernal na marami pang itinapon sa dagat ang mga ito habang hinahabol.

“May mga (gamit para sa) dynamite fishing sila on board. Tapos habang hinahabol sila ng mga  tao namin, tinatapon nila ang mga ibang dinamita na ginagamit nila sa pangisda,” muling pahayag ni Bernal.

Bagamat walang nakuhang pangalan ng mga suspek, may ilang indibidwal na umano silang inimbitahan para maimbistigahan.

Ang mga gamit na na-recover kabilang ang bangka at ang 35 kilos na huling isda ay isinalin naman ng coast guard sa pangangalaga ng Municipal Agriculture Office ng Taytay.

About Post Author

Previous articleLong beach community pantry nagsilbing inspirasyon sa iba pang nais tumulong sa bayan ng San Vicente
Next articleBagong Brooke’s Point District Jail pinasinayaan
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.