27.2 C
Puerto Princesa City
- Advertisement -spot_img

Breaking News:

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries...

Mga high-risk school sa Palawan, target lagyan ng metal detectors

Hiniling sa regular session kahapon ng Palawan Provincial Board ang pagkakaroon ng metal detectors sa mga high-risk schools sa lalawigan upang maiwasan ang anumang hindi kanai-nais na insidente.

Ang paghiling ay ginawa ni Board Member Rafael Ortega sa Local School Board (LSB) sa pamamagitan nang paglaan ng pondo para sa pagbili ng metal detectors para sa mga high-risk na eskwelahan.

“Mayroon pong ipinresent na programa ang DepEd na kung saan may identified na mga schools na mga high-risk… yung may mga recorded po na may mga gangs na o yung may mga troublemakers na at nai-rereport po yan sa kanila,” pahayag ni Ortega.

Aniya, ilalagay ang metal detectors sa mga natukoy na eskwelahan lamang.

- Advertisement -

Hindi niya binanggit ang lahat ng mga high-risk schools, ngunit sinabi niyang isa dito ay nasa bayan ng Coron.

“Ang paghiling natin na bumili ng metal detector test ay para doon sa mga high-risk na school o kumbaga marami na pong record,” dagdag pa niya.

“Actually, may mga recorded incidents na po sa DepEd sa mga eskwelahan kagaya po sa Coron na may mga threat na po talaga na ibinibigay yung mga kabataan sa kapwa nila estudyante,” ayon pa kay Ortega.

Ayon naman kay Board Member Cherry Pie Acosta, kailangang pag-aralan ang implementasyon dahil hindi lahat ng eskwelahan ay may gate at maaaring makalusot pa rin ang anumang armas.

“Hindi po lahat ng eskwelahan ay talagang may bakod… so pwedeng itapon doon at pagdaan doon sa entrance nila ay i-check nga nila using the metal detector ay baka makalusot pa rin,” aniya.

Suhestyon naman ni Board Member Juan Anton Alvarez, lagyan na lamang ang lahat ng eskwelahan mapahigh-risk man o hindi para masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral.

“Kung kaya naman mabilhan lahat, hindi lang high-risk, lahat mo na…we might as well procure for all schools in our province para hindi talaga tayo malusutan,” aniya.

Ayon naman kay Board Member Ryan Maminta, mainam kung uunahin ang mga high schools lalo na yoong mga nasa urban areas.

“I think we should prioritize national high schools… primarily those situated those in urban areas in different municipalities,” aniya.

- Advertisement -

Latest

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries...

13-oras na brownout sa ilang bahagi ng Puerto Princesa sa October 25

Mawawalan ng kuryente nang 13 oras ang ilang bahagi...
spot_img
- Advertisement -
Cris Dela Cruz
Cris Dela Cruz
is a reporter for Palawan News covering police, crime, local government, politics, and community affairs across Palawan. He reports on breaking news, public safety issues, governance, and developments that affect local communities, with a focus on timely, accurate, and fact-based journalism.
- Advertisement -

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan under its Barkada Franchise Financing (BFF) loan program, encouraging members to pool their loan proceeds...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries Inc. to provide professional psychological support to survivors and families affected by the September 9...

Pag-IBIG members, puwedeng nang gamitin ang cash loan bilang pambayad sa hospital bills sa ACE Medical Center

Maaari nang gamitin ng mga miyembro ng Pag-IBIG Fund ang cash loan program ng ahensya para makatulong sa pagbabayad ng gastusing medikal sa ACE...
spot_imgspot_img