30 C
Puerto Princesa City
- Advertisement -spot_img

Breaking News:

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries...

Marcos: ‘Hindi katanggap-tanggap’ ang sunod-sunod na school shootings

Tinuligsa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang tatlong school shooting incidents na naganap sa loob ng tatlong buwan, at sinabing “hindi katanggap-tanggap” ang mga insidenteng kumitil at nakasugat ng mga estudyante at iba pang miyembro ng school community.

“Hindi katanggap-tanggap ‘yung mga pangyayari na nakita natin sa Tacloban, sa Zamboanga, sa South Cotabato,” ani Marcos sa kanyang talumpati sa Pres. Corazon “Cory” C. Aquino National High School sa Pasay City nitong Lunes.

Sinabi ng Pangulo na “dumudugo ang puso” hindi lamang ng mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay kundi ng buong bansa dahil sa mga insidente.

Kasunod nito, sinabi ni Marcos na committed ang kanyang administrasyon na gawing mas ligtas ang mga paaralan at maiwasan ang campus violence.

- Advertisement -

“So be assured that the government is working closely with our teachers, parents, barangay workers, and other stakeholders to make our schools more secure,” ani Marcos.

Kabilang sa mga hakbang ng pamahalaan ang pagkuha ng 10,000 school counselors at associates upang makatulong sa paglikha ng mas ligtas at positibong learning environment para sa mga estudyante.

“We are committed to providing our youth, our parents, and communities with the knowledge and resources to prevent and respond to school violence,” dagdag ng Pangulo.

Sa parehong talumpati, binigyang-diin din ni Marcos ang pangangailangang palakasin ang suporta sa mga guro, kabilang ang pagdaragdag ng teaching positions, career advancement opportunities at non-teaching personnel.

Ang pahayag ni Marcos ay kasunod ng magkakasunod na school shooting sa Tacloban, Zamboanga at South Cotabato. Sa South Cotabato shooting, tatlo ang nasawi at anim ang nasugatan, ayon sa mga awtoridad.

Samantala, sinabi rin ng Pangulo na kailangang ipagpatuloy ang pagpapabuti ng sistema ng edukasyon kasunod ng pinakamataas na performance ng Pilipinas sa PISA mula nang lumahok ang bansa noong 2018.

“Hindi pa tayo number one. Habulin natin ‘yung pagka-number one,” ani Marcos, habang pinuri ang mga estudyante, guro at magulang.

- Advertisement -

Latest

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries...

13-oras na brownout sa ilang bahagi ng Puerto Princesa sa October 25

Mawawalan ng kuryente nang 13 oras ang ilang bahagi...
spot_img
- Advertisement -
Jan Elmer Badilla
Jan Elmer Badillahttps://palawan-news.com/
is a Filipino journalist and desk editor at Palawan News, a leading news organization based in Puerto Princesa City, Palawan, Philippines. He covers a broad range of topics, including local governance, environment, disaster response, and indigenous affairs.
- Advertisement -

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan under its Barkada Franchise Financing (BFF) loan program, encouraging members to pool their loan proceeds...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries Inc. to provide professional psychological support to survivors and families affected by the September 9...

Pag-IBIG members, puwedeng nang gamitin ang cash loan bilang pambayad sa hospital bills sa ACE Medical Center

Maaari nang gamitin ng mga miyembro ng Pag-IBIG Fund ang cash loan program ng ahensya para makatulong sa pagbabayad ng gastusing medikal sa ACE...
spot_imgspot_img