Nahuli ng mga awtoridad sa Culion nitong August 19 ang isang mangingisdang nahaharap sa five counts ng attempted murder.
Isinilbi sa 28 anyos na suspek ang warrant of arrest sa Barangay Decarabo.
Ayon sa Palawan Police Provincial Office (PalPPO), siya ang No. 8 most wanted person sa Palawan.
Kabuuang ₱600,000 ang piyansang itinakda ng korte para sa kanyang pansamantalang paglaya.
- Advertisement -
Nasa kustodiya siya ng Culion Municipal Police Station para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.
- Advertisement -



