Jul 3, 2020

Mangingisda sa El Nido, sinaksak ng kanyang biyenan

Kinila ni P/Capt. Ric Ramos, tagapagsalita ng Provincial Police Office (PPO). ang biktima na si Rolly Dalabajan Banico, 41. Ang suspek naman na biyenan ay kinilalang si Elbert Zumarraga Badilla, 54, parehong mangingisda at residente ng lugar.

Isang mangingisda ang sinaksak ng kanyang biyenan na lalaki habang nag-iinuman sa Barangay Manlag sa munisipyo ng El Nido, Sabado ng gabi.

Kinila ni P/Capt. Ric Ramos, tagapagsalita ng Provincial Police Office (PPO). ang biktima na si Rolly Dalabajan Banico, 41. Ang suspek naman na biyenan ay kinilalang si Elbert Zumarraga Badilla, 54, parehong mangingisda at residente ng lugar.

Ayon sa imbestigasyon ng mga awtoridad, nag-iinuman ang dalawa nang umayaw ang biktima sa pagtagay. Nagalit umano ang suspek kaya kumuha ng kutsilyo at sinaksak ang biktima na nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan nito.

Nadala sa isang clinic ang biktima at inilipat sa ospital upang magamot. Naaresto naman ang suspek at kasalukuyang nasa kustodiya ng mga awtoridad.

 

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry