Sep 27, 2020

Mangingisda sa Balabac, inaresto dahil sa shabu

Kinilala ng mga awtoridad ang nasabing mangingisda na si Hadji Sam Bakil Sahipno, 40, residente ng Barangay Buliluyan, bayan ng Bataraza.

Isang mangingisda sa bayan ng Balabac ang inaresto ng mga awtoridad dahil sa pagbebenta ng shabu, Martes ng gabi.

Kinilala ng mga awtoridad ang nasabing mangingisda na si Hadji Sam Bakil Sahipno, 40, residente ng Barangay Buliluyan, bayan ng Bataraza.

Ayon kay P/Capt. Ric Ramos, tagapagsalita ng Provincial Police Office (PPO), nahuli ang suspek matapos mabilhan ng mga awtoridad ng hinihinalang shabu na nakalagay sa isang drinking straw sa halagang P500.

Bukod sa shabu nakuha rin sa suspek ang dalawa pang drinking straw na hinihinalang naglalaman ng shabu.

Nahuli ang mangingisda ng mga awtoridad ng Balabac Municipal Police Station (MPS) sa pangunguna ni P/Maj. Victor Sumondong Jr, at sa pakikipag-ugnayan nila sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

 

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry