Larawan mula sa El Nido Tourism
- Advertisement by Google -

Mahigit 4,000 propagules ng bakawan ang itinanim sa dalampasigan ng Sitio Santan, Barangay New Ibajay sa bayan ng El Nido nitong Miyerkules, August 3, kaugnay ng kauna-unahang Bacauan Festival.

Ang nasabing festival ay inorganisa ng Dewil Eco Mangrove Association (DEMA), isang organisasyon ng mga mangingisda mula sa 18 na barangay ng El Nido, na naglalayong mapangalagaan at maproteksyunan ang mga bakawan sa kanilang Iugar.

Ayon kay Diomac Pable, pangulo ng DEMA, taun-taon na nilang ipagdiriwang ang nasabing festival kaugnay ng malawakang pagtatanim ng mga mangroves at iba pang mga aktibidad na lalahukan ng komunidad.

“Unang Bacauan Festival po namin ito sa El Nido, at tuloy-tuloy na ito bawat taon, pagtatanim ng bakaw ang tanging mission namin na magtulungan para sa pangangalaga nito at proteksyonan,” sabi ni Pable.

- Advertisement -

Dagdag pa nito, plano nilang magsagawa ng mangrove planting sa bawat buwan sa iba pang mga barangay upang tuloy-tuloy na pakapalin ang mga bakawan sa mga dalampasigan ng El Nido.

“Alam po namin ang mga stakeholders namin ay talagang di kami pababayaan, LGU, DENR, target namin ang libong mga propagules ang maitanim sa buong munisipyo ng El Nido,” ayon pa kay Pable.

Nagkaroon din ng iba’t ibang mga aktibidad kaugnay ng nasabing festival katulad ng Slogan Making, Painting, Photography, Spoken Poetry at Short Film Competition na nilahukan naman ng LGU, PCG, PNP, Barangay Offiicials, DENR, DepEd, mga residente at mga stakeholders.


ADVERTISEMENT
BILLBOARD SPACE FOR LEASE 
Start your business with us.
Located at Chinatown Center Palawan, 
Palawan Corner Bonoan, Valencia Street, Puerto Princesa City, Palawan. 
For more info, contact us  0995-038-2027

About Post Author

- Advertisement by Google -
Previous articleInternational sensation BLACKPINK celebrates 6th Anniversary
Next articleIBP proposes to increase number of involuntary confinement petitioners
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.