Larawan mula sa RHU Magsaysay

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakamit ng bayan ng Magsaysay ang Golden Award para sa Bacteriologically Confirmed Treatment Enrollment sa 2021 Race to End TB Regional Quarterly Awards ng Department of Health (DOH).

Ang nabanggit na pagkilala ay iginawad ng DOH sa unang quarter ng taong 2021 upang kilalanin ang mga inisyatibo ng mga local government units (LGU) sa pamamagitan ng kanilang mga Rural Health Units (RHU) na siyang nangangasiwa sa mga TB related activities.

Larawan mula sa RHU Magsaysay

Ayon kay Melanie Rodriguez-Parangue, PHN at surveillance officer, natanggap nila ang impormasyong ipinaabot ng Provincial Health Office (PHO) nong araw ng Biyernes, Mayo 28.

- Advertisement -

Nagpasalamat naman ni Mayor Manuel Abrea sa mga kawani ng pangkalusugang ahensya ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Dr. Kevin Javier, officer in charge ng Magsaysay RHU.

“Ito ay isang biyaya ng Maykapal sa mga taga-Magsaysay. Nagpapakita na handa at ginagawa ng ating LGU ang lahat ng kaya nating gawin para sa ikabubuti ng lahat sa kabila ng kinakaharap nating pandemya. Malaki ang dapat nating ipagpasalamat sa mga medical personnel natin na walang kapaguran sa serbisyo para sa mga taga Magsaysay. Sila ay maituturing na mga makabagong bayani natin. Ipagpatuloy natin ang magandang nasimulan at paigtingin pa lalo ang pagiingat ng lahat,” pahayag ni Abrea.

Dagdag pa niya, bagama’t may mga nauna nang pagkilala na ibinigay ang DOH sa Magsaysay, kakaiba ang parangal na ngayon lamang nila natanggap.

“May mga nauna nang ibinigay ang DOH sa Magsaysay na mga pagkilala subalit ito ay kakaiba sapagkat sa category na ito ay kinakitaan ang Magsaysay, sa tulong ng komunidad, ng kahadaan sa mga bagay na may initiative mula barangay level hanggang municipal level, ng suporta para sa national tuberculosis program,” paliwanag ni Abrea.

“Sa mainit na suporta ng mga health personnel natin ay napabilang tayo sa mga LGUs sa buong rehiyon ng MIMAROPA na may karangalan at hindi lang basta karangalan ngunit nasungkit natin ang Gold Award-First Placer,” dagdag niya. (with a report from Genn Magdayao)

Previous articleIlang tanggapan sa Roxas municipal gov’t, pansamantalang sarado para sa disinfection
Next articleBangkay ng lalaki natagpuan sa Española
is the correspondent of Palawan News in San Vicente, Palawan. He also covers politics, government policies, tourism, health and sports. His has interest in travelling and exploring different places and food.