NARRA, Palawan — Isang senior citizen na magsasaka ang inaresto ng mga awtoridad matapos mabaril ang nakaalitang kapitbahay, Lunes ng hapon sa Purok Maunlad, Barangay Aramaywan, bayan ng Narra.

Kinilala ni P/Ssg. Vincent Cuaton ang biktima na si Reynaldo Oliva Catampungan, 28 at ang suspek naman ay kinilalang si Alberto Redubli Villa Espin, 70 pawang residente ng nasabing lugar.

Ayon sa imbestigasyon ng Narra Municipal Police Station (MPS) matagal ng may alitan ang dalawang magsasaka at nitong lunes habang sila ay nasa kaniya kaniyang bakuran ay muli silang nagtalo.

Habang nagtatalo, kumuha ang suspek na si Alberto ng isang converted cal. 22 na baril at ipinutok sa biktima na tinamaan naman sa kaliwang siko nito.

Naiulat naman ang pangyayari sa punong barangay na si Alonzo Eleazar ang at agarang naitawag sa istasyon.

- Advertisement -

Sa pagresponde ng kawani ng Narra MPS sa pangunguna ni P/Maj. Romerico Remo, naaresto naman agad ang suspek at nakuha mula sa pangangalaga nito ang isang converted caliber 22 na baril at mga bala nito.

Nahaharap sa kasong attempted murder ang nasabing suspek.

 

Previous articleUniversities prepare “new normal” teaching methods for coming school year
Next articleEarnestly Yours: Could There Be a Silver Lining to the COVID-19 Pandemic
Jayra Joyce Cañete Taboada handles the law and order and the science and education beats. She is also a licensed professional teacher.