Arestado ng mga awtoridad ang isang lalaking may warrant of arrest dahil sa paglabag sa Chainsaw Act of 2002 sa Barangay Aribungos, Brooke’s Point noong August 4.
Isinagawa ang pag-aresto sa pangunguna ng Brooke’s Point Municipal Police Station, katuwang ang Provincial Intelligence Unit (PIU) ng Palawan PPO, 4th Platoon ng 1st PMFC, at 2nd SOU-Maritime Group Balabac SBC.
Ayon sa ulat ng pulisya, dakong alas-2:45 ng hapon nang isilbi ang warrant of arrest laban sa 31-anyos na magsasaka kaugnay ng paglabag sa Section 7 ng Republic Act No. 9175, o Chainsaw Act of 2002.
Nagtakda ang korte ng ₱36,000 na piyansa para sa kaniyang pansamantalang kalayaan.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Brooke’s Point MPS ang arestado para sa kaukulang dokumentasyon habang inihahanda ang return of warrant sa korte.



