Ang suspek na si Ronald Valmoria Bancaya. (Photo by Palawan Police Provincial Office)

Inaresto ng mga awtoridad ang isang 21 taong gulang na may kasong illegal gambling sa Barangay Culandanum, Aborlan, noong Agosto 4 ng gabi.

Kinilala ito sa ulat na inilabas ng Palawan Police Provincial Office (PPPO) bilang si Ronald Valmoria Bancaya. Inaresto siya ng mga police personnel ng Aborlan MPS at Palawan Provincial Highway Patrol Team.

Ang warrant of arrest ay may petsa na Hulyo 26, 2021 para sa paglabag sa Presidential Decree 1602 na may kinalaman sa iligal na pagsusugal. Nagtakda ang korte ng piyansa na P30,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Nasa kustodiya ito ngayon ng Aborlan MPS.