30 C
Puerto Princesa City
- Advertisement -spot_img

Breaking News:

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries...

LTFRB: Walang aprubadong taas-pasahe, isumbong ang naniningil nang sobra

Nilinaw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) MIMAROPA na wala itong inaprubahang dagdag-pasahe sa mga pampublikong sasakyan.

Hinikayat ni LTFRB MIMAROPA Regional Director Enrico Moreno R. Bautista ang mga pasahero na agad ireport ang mga driver o operator na naniningil nang sobra o hindi naglalagay ng fare matrix sa kanilang sasakyan.

“Kapag hindi tayo nasuklian nang tama sa ating pamasahe, i-report lang po sa LTFRB. Kung wala silang fare matrix sa mga sasakyan, i-message po kami sa social media, picturan agad at i-send para maaksyunan,” sinabi ni Bautista sa Aug. 26 episode ng Arangkada MIMAROPA ng Philippine Information Agency MIMAROPA at Radyo Pilipinas Palawan.

Ang pahayag ay kasunod ng utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Department of Transportation na ipagpaliban ang planong taas-pasahe upang hindi madagdagan ang gastusin ng mga manggagawa, estudyante at iba pang araw-araw na sumasakay.

- Advertisement -

Iniutos din ng Pangulo sa mga kinauukulang ahensya na magbigay ng karagdagang suporta sa sektor ng transportasyon.

Pinaalalahanan din ni Bautista ang mga operator na dapat nakapaskil sa loob ng kanilang mga sasakyan ang itinakdang fare matrix.

Maaaring mapatawan ng parusa ang mga operator na lalabag sa mga regulasyon. Ang paulit-ulit na paglabag ay maaari ring humantong sa pagkansela ng kanilang prangkisa.

Para sa ilang paglabag na kinasasangkutan ng mga rehistradong pampublikong sasakyan, maaaring pagmultahin ng ₱4,000 sa unang paglabag. Sa ikalawang paglabag, maaaring umabot sa ₱10,000 ang multa at ma-impound ang sasakyan, depende sa uri ng paglabag at umiiral na mga patakaran ng LTFRB.

Pinaalalahanan din ang mga senior citizen, persons with disabilities at estudyante na may karapatan silang makatanggap ng 20 porsiyentong diskuwento sa pamasahe, alinsunod sa umiiral na mga patakaran at pagpapakita ng valid ID.

Kasabay nito, pinaigting ng LTFRB MIMAROPA ang pag-iikot at monitoring sa mga lalawigan upang matukoy ang mga problema sa pampublikong transportasyon, kabilang ang operasyon ng mga colorum o sasakyang walang prangkisa.

“Ginagawa po namin ang pag-ikot sa lahat ng probinsya upang makita ang sitwasyon ng ating mga mamamayang mananakay, makita ang problema at mabigyan ng solusyon,” sabi ni Bautista.

Nakikipag-ugnayan ang ahensya sa mga lokal na pamahalaan upang matugunan ang mga problemang natutukoy sa bawat lugar.

Ayon kay Bautista, mahalagang mailapit ang mga serbisyo at monitoring ng LTFRB sa mga komunidad, lalo na sa malalayong lugar, upang maipaliwanag sa mga operator ang tamang proseso at mga kinakailangan sa pagkuha ng prangkisa.

“Mahalaga ang pagbisita ng LTFRB sa mga malalayong lugar. Misguided po ang ibang operators kaya kailangan natin silang maabot at maturuan tungkol sa tamang proseso at mga requirements,” aniya.

Sinabi niyang layunin ng ahensya na protektahan ang kabuhayan ng mga driver at operator habang tinitiyak na legal ang kanilang ruta, rehistrado ang kanilang sasakyan at ligtas ang mga pasahero.

“Tayo po ay after sa pangkabuhayan ng ating mga operators and members, pero gusto rin natin na legal ang kanilang mga ruta at maging ligtas ang lahat. Basta po kumpleto sa requirements, mabilis po namin ‘yan maaksyunan,” sabi niya.

Pinalakas na rin umano ng LTFRB ang mga hakbang nito laban sa mga fixer upang hindi na sila makapamagitan sa mga transaksyon sa ahensya.

“Base po sa aming monitoring, mababait naman po ang mga taga-MIMAROPA, pero patuloy natin silang hinihikayat na sumunod sa mga regulasyon para maging ligtas, maayos at legal ang ating pampublikong transportasyon,” dagdag ni Bautista.

- Advertisement -

Latest

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries...

13-oras na brownout sa ilang bahagi ng Puerto Princesa sa October 25

Mawawalan ng kuryente nang 13 oras ang ilang bahagi...
spot_img
- Advertisement -
- Advertisement -

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan under its Barkada Franchise Financing (BFF) loan program, encouraging members to pool their loan proceeds...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries Inc. to provide professional psychological support to survivors and families affected by the September 9...

Pag-IBIG members, puwedeng nang gamitin ang cash loan bilang pambayad sa hospital bills sa ACE Medical Center

Maaari nang gamitin ng mga miyembro ng Pag-IBIG Fund ang cash loan program ng ahensya para makatulong sa pagbabayad ng gastusing medikal sa ACE...
spot_imgspot_img