Jan 24, 2021

LSI sa Rizal, inireklamo ang pagtrato ng munisipyo

Sa panayam ng Palawan News kay Kgd. Fatima Montaño ng Barangay Candawaga, nagkusa na siyang sadyain ang MDRRMO noong Miyerkules upang malaman kung ano talaga ang nangyari sa nakita nitong Facebook post ni Jocelyn Rurong, isang LSI mula sa Maynila at residente sa Barangay Taburi, Rizal kung saan sinabi nito na hindi raw siya nabigyan ng maayos na matutulugan at sa mismong gym lang ng Brgy. Punta Baja pansamantalang pinatulog habang hindi puwedeng umuwi.

RIZAL, Palawan — Hindi nagkaroon ng magandang komunikasyon sa pagitan ng isang LSI na residente ng bayan ng Rizal at ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) kung bakit hindi ito naasikaso ng maayos at hindi nabigyan ng komportableng matutulugan matapos siyang dumating noong Martes mula sa lungsod ng Puerto Princesa.

Sa panayam ng Palawan News kay Kgd. Fatima Montaño ng Barangay Candawaga, nagkusa na siyang sadyain ang MDRRMO noong Miyerkules upang malaman kung ano talaga ang nangyari sa nakita nitong Facebook post ni Jocelyn Rurong, isang LSI mula sa Maynila at residente sa Barangay Taburi, Rizal kung saan sinabi nito na hindi raw siya nabigyan ng maayos na matutulugan at sa mismong gym lang ng Brgy. Punta Baja pansamantalang pinatulog habang hindi puwedeng umuwi.

“Nagkusa na po tayong tanungin ang MDRRMO at ayon sa nakausap natin doon ay totoo pong sa gym na lang muna nila pinatuloy si ma’am Jocelyn dahil hindi na kayang ihatid sa Taburi dahil gabi na raw sila dumating at puno rin daw ang quarantine facility ng Brgy. Punta Baja. Hindi lang talaga nagkaroon ng magandang komunikasyon,” pahayag ni Montaño.

“Humingi naman sila ng pasensya sa atin sa nangyari kung bakit hindi naasikaso ang isa nating kababayan dito. Hindi na nila nabigyan ng maayos na matutulugan noong gabi,” dagdag ni Montaño.

Sa hiwalay na pakikipag-ugnayan ng Palawan News kay Rurong, umaga ng Miyerkules, hindi naman daw siya nagrereklamo kung bakit sa gym ng Punta Baja na lang muna sya pinatulog, ngunit sana man lang daw ay nabigyan siya ng banig o kumot dahil sa bleacher mismo ng gym siya natulog.

“Sobrang dissapointed lang po talaga ako bakit ganito ang treatment sa aming mga LSI. Sa hagdan na po ako natulog kagabi, walang banig, walang binigay na kumot o sapin man lang. Naiintindihan ko naman po kung di na kaya akong ihatid sa Taburi pero sana okay yong pansamantalang pinatulugan sa akin,” sabi ni Jocelyn.

Samantala ayon kay Montaño, naihatid na ng MDRRMO noon ding Miyerkules ng umaga si Rurong sa quarantine facility ng Taburi para doon muna manatili.

 

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry