No Images found.

Lolo na may kasong rape arestado sa Dumaran

Isang lolo ang inaresto ng mga operatiba ng Dumaran Municipal Police Station (MPS) sa Sitio Salogon, Barangay Danleg sa bayan ng Dumaran, araw ng Linggo, Mayo 2.

Ang suspek na nahaharap sa eight counts of statutory rape ay kinilala ng si Medardo Garboza Olido, 68, residente ng Sitio Malonlon, Barangay Tanatanaen ng nasabing bayan.

Si Olidon ay inaresto sa bisa ng warrant na inilabas ni Judge Emmanuel Q. Artazo ng Family Court ng Taytay na may petsang January 29, 2020.

Ayon sa mapagkakatiwalaang source ng Palawan News, 10 taong gulang ang biktima ng simulang halayin ito ng suspek

“Anak ng kinakasama nya ang biktima. Nangyari ang panghahalay sa Taytay, Palawan, mga taong 2001, 2002, at 2003,” pahayag ng source ng Palawan  News.

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry