February 26, 2021 |

Lola, patay sa vehicular accident sa Roxas

Makikita sa larawan ang kotse na Suzuki kung saan ito nahulog sa isang taniman mula sa national road sa Brgy. Sandoval sa bayan ng Roxas. | Photo by Roxas MPS

 

Isang 72 anyos na lola ang namatay sa aksidente na kinasasangkutan ng isang kotse sa kahabaan ng national highway sa Barangay Sandoval sa bayan ng Roxas bandang 9:30 ng umaga araw ng Biyernes, Pebrero 5.

Ang biktima ay kinilalang si Expectacion Hate, habang ang mga kasamahan nito na nagtamo ng mga minor injury ay kinilalang sina Rosario Esplana, 68; Francisco Esplana, 72; at ang driver na si Victor Hate, 77, mga residente ng Brgy. Sta. Lourdes sa Puerto Princesa.

 

 

Sa ulat na nakuha ng Palawan News mula sa Roxas Municipal Police Station (MPS), nagmula sa bayan ng Taytay ang mga ito at papauwi na sa Puerto Princesa ng mangyari ang aksidente.

“Nawalan ng preno ang sasakyan. tapos nawalan na rin ng control ang driver kaya nahulog sila sa canal, sa pinaka malalim na portion,” pahayag ni P/Capt. Erwin Carandang, hepe ng Roxas Municipal Police Station (MPS).

“Isa ang patay dito, naabutan na lang namin sa labas na ng sasakyan, kasi sinusubukan pa nilang i-revive,” dagdag niya.

Naisugod pa si Hate sa pagamutan ngunit naideklara ng dead on arrival ng sumuring doktor.

 

 

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry