Bago matapos ang taon ay magkakaroon na ang bayan ng Linapacan ng water purifier station na magbibigay sa mga residente ng ligtas at malinis na tubig, ayon kay Mayor Emil Neri.

Ayon sa kanya, kasama sa mga priority projects ng kanyang administrasyon ang pagkakaroon ng malinis na inuming tubig kaya ang proyekto ay ipinatupad sa Barangay San Miguel.

“Almost Php1.3 million itong purchase ng LGU natin na 40 stages water purification. Ito ay itatayo sa San Miguel na siya namang papatakbuhin ng Treasury Office natin,” sabi ni Neri ngayong araw, November 23.

“Hangarin kong magkaroon ang mga kababayan natin na mabibilhan ng tubig na mura, malinis, at ligtas. Deep well ang magiging source natin at mula dito ay idadaan sa purifier stages natin sa machine,” pahayag pa niya.

Aniya, kung ito ay maisasakatuparan na, Php10 lamang ang kada isang water container. ang Dalawa hanggang tatlong container ang pwedeng mabili ng kada household sa mga barangay.

“Sa ngayon ay inaantay na lang natin ang pagdating ng mga machine, may mga kababayan po tayo na umaasa sa ilog o balon na hindi natin tiyak kung ito ay malinis. Yong iba naman, talagang bumibili pa ng tubig sa labas pa ng ating bayan, sa El Nido o Coron, ang alam ko 40 kada container ang presyo. Kung ito ay maisakatuparan na natin, mas mababa, at hindi na sila mahihirapan pa,” paliwanag nito.

Ayon pa kay Neri, noong mga nakalipas na taon ng siya ay dating konsehal pa lamang, nagkaroon din ng mga diarrhea cases sa kanilang bayan.

Dulot umano ito ng hindi malinis na inuming tubig, kaya naging kahilingan niya na hindi na ito maulit pa.

Dagdag pa niya na sa taong 2023 ay kaparehong proyekto rin ang ilalagay para sa barangay Nangalao, Pical, at Calibangbangan.

About Post Author

Previous articlePALECO muling nagtakda ng eleksyon para sa District IX
Next articleMid-year bonus ng mga dating probationary employees, makukuha na
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.