PN file photo

[Updated] Limang munisipyo sa lalawigan ng Palawan ang inilagay sa yellow category o election areas of concern ngayong araw, kasabay ng deployment ng mga operatiba ng Palawan Police Provincial Office (PPO) sa iba’t ibang munisipyo, isang linggo bago ang itinakdang national at local elections.

Ang limang munisipyo ay kinabibilangan ng Bataraza, Sofronio Española, Narra, Aborlan, at Quezon, ayon kay P/Col. Adonis Guzman na siyang direktor ng PPO.

Matatandaang nauna nang idineklara ng PPO ang buong lalawigan bilang nasa green category o election areas of no concern, ngunit bago matapos ang buwan ng Abril ay nagbaba ng order ang kanilang higher headquarters na naglalagay ng mga nabanggit na munisipyo sa yellow category.

“Ang naging basehan kasi diyan [yong] two consecutive election-related incidents, mga presence ng CTGs (communist terrorist groups), at mga private army groups kung mayroon man,” payahag ni Guzman.

- Advertisement -

Ilan sa mga nakalipas na insidente sa dalawang nagdaang eleksyon ay ang pag-ambush kay Bataraza mayor Abraham Ibba at sa kanyang maybahay noong 2016, kaguluhan sa pagitan ng mga supporter nila Narra mayor Gerandy Danao at dating mayor Lucena Demaala na nag-resulta sa pamamaril noong 2019, at presensya ng New People’s Army (NPA).

Ayon pa sa kanya, dinagdagan din ang bilang ng pulis at sundalo na ilalagay sa limang munisipyo na kabilang sa Quick Reaction Team.

Previous articleNew law eases conversion of towns into cities
Next articleA descendant of war hero, Fortes wants to strengthen agriculture in Calamian islands
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.