Limang lalaki arestado sa iligal na sugal

Limang lalaki ang dinakip ng mga tauhan ng Puerto Princesa City Police Station 2 sa isinagawang operasyon laban sa iligal na tupada sa Gorospe Ville, Purok Anunang, Barangay Sicsican nitong Linggo, 2:30 ng hapon, February 21.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Dimedez Ceguancia Corpuz, 40, residente ng BM road, Brgy. San Pedro; Lucio Baldovino Pentecostes Jr., 54, retiradong marines, residente ng Brgy. Irawan; Arnold Factor Belviatora, 37 residente ng Bgy. Sicsican; Jovencio Guerrero Remoto Jr., 39, residente ng Brgy. Mandaragat; at Melvin Heredero Naelgas, 35 residente Brgy. Sta. Lourdes.

Sa ulat ng PS2, naabutan ang mga suspek na nagsasagawa ng iligal na tupada.

Narekober sa lugar ang 13 manok na panabong, apat na tari, at 650 pesos na halaga ng pera.

Nakatakda ngayong sampahan ng kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 o illegal cockfighting ang mga suspek.

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry
%d bloggers like this: