Limang magkakatunggali sa pulitika ang tatakbo sa pagka-alkalde ng munisipyo ng Sofronio Española, base sa kakatapos lamang na filing of certificate of candidacy (COC) noong October 1-8, 2021.

Unang naghain ng COC noong October 1 si Abner Tesorio bilang independent candidate na susubukan na pasukin ang pagka-alkalde ng bayan. Si Tesorio ay kasalukuyang punong barangay sa Pulot Center na nais din nang pagbabago sa gobyerno, reporma, at pagtulong sa mamamayan.Y

“Pagtulong sa mga kababayan natin, nais natin na mag-serbisyo ng may takot sa Diyos,” bahagi ng simpleng plataporma ni Tesorio.

October 5 ng ihain din ni Rona Chou ang kaniyang COC na tatakbong alkalde din ng bayan. Incumbent vice mayor si Chou sa Sofronio Española at naupo sa puwesto noong 2013 at nasa huling termino na niya sa pagka-vice mayor ngayong 2022 sa ilalim ng Partidong Pagbabago ng Palawan (PPP).

Ayon kay Chou, nais nitong ipagpatuloy ang mga proyektong nasimulan para sa mga mamamayan at ang mabilis na aksyon ng pamahalaan sa komunidad, lalong-lalo na ngayong panahon ng pandemya.

“Nais po nating i-continue ang mga programa para sa mga kababayan natin. Ito ang dahilan kung bakit nais nating ituloy ang service bilang punong bayan sa atin,” sabi ni Chou, noong October 10.

Nais ding makabalik sa pulitika ni Ibnuhar Abdulpatta na naghain ng kaniyang COC noong October 6 na tatakbo ding alkalde ng bayan bilang independent candidate, naka-anim na termino si Abdulpatta bilang konsehal simula noong 1995-2003 at 2010-2019.

Dalawang pribadong indibidwal naman ang naghain din ng COC na tatakbong mayor na sina Mohamad Amir at Linda Mamah noong October 8 na kapwa independent candidates.

Samantala, tatlo ang tatakbong Vice mayor sa bayan na ito na sina Marsito Acoy, incumbent Mayor na nasa huling termino nito na naupong mayor noong 2013-2022, Rachel Banaag at Hamrin Alip.

Nasa 27 naman na mga indibidwal ang naghain ng COC ang siyang tatakbong konsehal sa Brooke’s Point para sa 2022 election.

About Post Author

Previous articleMaytag opens laundry business opportunities for Palaweños with new Puerto Princesa City branch
Next articleSubsidiya ng pamahalaang lokal sa Rizal District Hospital, napapakinabangan na ng mga residente
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.