27.2 C
Puerto Princesa City
- Advertisement -spot_img

Breaking News:

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries...

Libreng pananim, nakaabot na sa mahigit 800 residente ng PPC

Mahigit na sa 800 residente ng Puerto Princesa City ang nakatanggap ng mga libreng punla at binhing pananim mula nang mamahagi ang Kagawaran ng Pagsasaka-MIMAROPA sa pamamagitan ng Palawan Agricultural Center (PAC) at Palawan Research Experiment Station (PRES) makalipas ang isang buwan ng ito ay mailunsad.

Ito ay alinsunod sa Plant, Plant, Plant Program (PPPP) ng Kagawaran kung saan hinihikayat ang mga tao na magtanim sa kanila-kanilang bakuran habang umiiral ang Community Quarantine (CQ).

Ang PAC ay nakapagbahagi na ng 10,000 na punla ng iba’t ibang gulay at prutas gaya ng kakaw, kasuy, kape, langka at guyabano. Umabot sa 330 na residente ng PPC ang nakatanggap ng mga punlang ito at kanila ng tinanim sa kanilang bakuran.

Mga punla at binhing pinapamigay sa PRES at PAC. (Kuha ni Milagros Cacal)

Ang PRES naman ay nakapagpamigay na ng 3,000 pakete ng binhing pananim katulad ng buto ng kamatis, talong, sitaw, okra, kalabasa at pipino. Nasa 496 na residente na ng PPC ang nakapagtanim ng mga butong nakuha rito.

- Advertisement -

Bilang pagsuporta sa adbokasiya ng Kagawaran, naglunsad ang Life Church, isang Christian Community sa lungsod, ng isang Barangay Backyard Garden Contest na kung saan nakahingi sila ng 200 pakete ng binhi mula sa PRES.

Ayon sa Facebook post ni Mila Suropia Cacal, PRES Head, kung saan pinakita niya ang mensahe ni Bb. Julie Blanco ng Life Church, 100 residente ang sumali dito at malalaman ang nanalo sa Mayo 30.

Matapos ang nasabing unang bugso ng bigayan, muli namang nakapagprodyus ang PAC ng 10,000 pananim na punla na kanilang pinamigay sa 150 residente noong Mayo 13 at may kasunod pa sa darating na Mayo 29.

Bukod naman sa mga pananim mula sa PRES at PAC, nagpadala rin ang Regional High Value Crops Development Program ng mga binhing pananim na siya namang pinamigay sa iba’t ibang munisipyo ng Palawan.

Para sa karagdagang impormasyon ukol sa libreng punla at binhi sa Palawan, makipag-ugnayan lamang kay Gng. Gene Onde ng PAC sa numerong 0928-333-3594 at kay Gng. Mila Cacal ng PRES sa numerong 0919-9351-0159.

- Advertisement -

Latest

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries...

13-oras na brownout sa ilang bahagi ng Puerto Princesa sa October 25

Mawawalan ng kuryente nang 13 oras ang ilang bahagi...
spot_img
- Advertisement -
- Advertisement -

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan under its Barkada Franchise Financing (BFF) loan program, encouraging members to pool their loan proceeds...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries Inc. to provide professional psychological support to survivors and families affected by the September 9...

Pag-IBIG members, puwedeng nang gamitin ang cash loan bilang pambayad sa hospital bills sa ACE Medical Center

Maaari nang gamitin ng mga miyembro ng Pag-IBIG Fund ang cash loan program ng ahensya para makatulong sa pagbabayad ng gastusing medikal sa ACE...
spot_imgspot_img