No Images found.

Libreng gamit ng laptop at internet, patuloy sa Brooke’s Point

Nagpapatuloy pa rin ang Brooke’s Point sa programa nitong pagpapagamit sa mga estudyante ng laptop na may internet connection bilang tulong sa kanilang edukasyon sa gitna ng pandemya.

Ang programa ay proyekto ng Sangguniang Kabataan (SK) ng Barangay Poblacion District 1, kung saan may limang laptop at isang personal computer ang inilagay sa barangay hall upang magamit ng sino man na estudyanteng nangangailangan, ayon kay SK chairwoman Liberty Grace Sotto.

Kanila mismong binili ang mga laptop units para sa nais ng kanilang proyekto na makatulong sa mga estudyanteng walang magamit na laptop para sa pagpapatuloy ng kanilang pag-aaral.

Bukod sa laptop na may internet connection ay mayroon ding printer na puwede nilang magamit para sa pagpri-print ng mga module para sa distant learning.

“Due to the pandemic alam po nating maraming naghihirap, lalung-lalo na ang mga estudyanteng nagmo-module ngayon kaya naisip ng aming SK Council na magkaroon ng free use of laptop, print, xerox, at free internet,” sabi ni Sotto. 

“Inilunsad natin ito noon pong October 2020, at untill now tuloy-tuloy ito. Maganda naman ang feedback ng mga kabataan natin, instead na magbigay pa ng pera ang kanilang mga magulang para iload is makakatipid na sila dahil we provided internet na,” dagdag niya.

Aniya pa, bukas ang kanilang proyekto sa lahat ng estudyante ng Brooke’s Point na walang magamit na laptop na may internet connection simula Lunes hanggang Biyernes, mula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon.

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry