Mismong mga bahay sa Barangay Sicsican ang pupuntahan ng vaccination teams para libreng bakunahan kontra rabies ang mga aso at pusa sa October 6–8 at October 13–15, 2026.
Ayon sa anunsiyo ng pamahalaang lungsod sa pamamagitan ng Puerto Princesa City Information Department (CID), layunin ng bahay-bahay na pagbabakuna na mailapit ang serbisyo sa mga residente upang mas maraming alagang hayop ang mabakunahan.
Pinaghahanda ang mga may-ari ng kanilang mga aso at pusa bago dumating ang vaccination team.
Dapat ding tiyaking ligtas at maayos na mahahawakan ang mga alaga habang binabakunahan.
Hinihikayat ng pamahalaang lungsod ang mga residente na samantalahin ang libreng serbisyo bilang bahagi ng pagprotekta sa kanilang mga alaga, pamilya at komunidad laban sa rabies.



