PN File

SAN VICENTE, Palawan – Isang ordinansa ang ipinasa ng Sangguniang Bayan para sa libreng antigen test sa  lahat ng kwalipikadong indibidwal na mangangailangan nito.

Sa ilalim ng Municipal Ordinance No. 17, series of 2021, libre na ang antigen test sa lahat ng kwalipikadong residente na may “mahalaga” at “valid” na dahilan sa pagbiyahe pero kailangang sumailalim sa antigen test “para hindi na mahirapan, lalo na ang mga walang kakayahang magbayad nito.”

Kabilang sa maaring maka-avail ng libreng antigen test ang mga mahihirap at nawalan ng trabaho, mga “informal workers” gaya ng mga drivers, vendors, traders, magsasaka, mangingisda, at iba ba kumikita ng mas mababa sa P20,000.00 kada buwan.

Kasama rin ang mga maliliit na negosyante, may-ari at staff ng mga tourism establishments na humina ang kita o kaya’y tuluyang tumigil ang negosyo dahil sa epekto ng pandemya, frontline health at response workers, ganoon din ang mga government officials at workers kapag ang byahe ay isinasagawa dahil sa opisyal na trabaho.

- Advertisement -

“Kailangan lang talaga ay essential, emergency at valid ang byahe para maging libre,” paliwanag ni Vice-Mayor Antonio Gonzales. “Kapag hindi naman importante ang biyahe, pero nagpupumilit, magbabayad siya. Kasi ang polisiya talaga ng gobyerno natin ngayon ay stay at home hangga’t maaari,” dagdag pa niya.

Nakasaad din sa ordinansa ang mga essential na biyahe na kinabibilangan ng pagbili ng pangunahing pangangailangan kagaya ng pagkain at iba pang essential goods, magbi-biyahe ng mga nasabing produkto, maghahanap ng trabaho, o dahil sa trabaho.

Kung magpapagamot (na hindi kayang gamutin ng RHU o District Hospital staff at mga pasilidad nito). Kung magpo-proseso ng mahahalagang business transactions na hindi kayang gawin online at telepono, at hindi na pwedeng ipagpaliban, at iba pang mga kahalintulad na sitwasyon.

Naglaan din ng karagdagang pondo para sa pagbili ng antigen test kits na gagamitin para dito.

Samantala inatasan din ang Municipal Health Office na magsagawa ng maayos na Sistema upang maiwasan ang pagdagsa ng mga sasailalim sa test sa sandaling ipatupad na ito, kagaya ng paglalagay ng appointment system at scheduling ng isasagawang tests.

Previous articleEleazar warns PNP personnel against engaging in partisan politics
Next articleSSS reports 12.3 million paying members as of May 2021
is the correspondent of Palawan News in San Vicente, Palawan. He also covers politics, government policies, tourism, health and sports. His has interest in travelling and exploring different places and food.