Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to damage to property at paglabag sa Republic Act 10586, o ang Anti Drunk and Drug Driving Act, ang driver ng isang truck ng city government matapos nitong subukang takbuhan ang nabangga nitong SUV sa Purok El Rancho, Barangay Santa Monica, bandang 1:10 kahapon, August 17.

Base sa report ng Police Station 2, minamaneho ng suspek na nakilalang si Marcos Laniohan, 41 taong gulang, ang isang Sinotruk dump truck habang nasa impluwensiya ng alak ng mabangga nito ang Toyota Fortuner.

Ayon sa isinagawang imbestigasyon, mabilis ang takbo ng truck nang diumano’y madulas ito at masagi ang Toyota Fortuner.

Sinubukan umanong tumakas ng suspek at nakipaghabulan sa SUV hanggang sa nagkaabutan ang mga ito sa kanto ng Purok El Rancho sa South National Highway, kung saan muling binunggo ng suspek ang sasakyan ng biktima.

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng Police Station 2 ang suspek habang dinala naman sa pagamutan ang driver ng Toyota Fortuner na kinilalang si Yves Enriquez, 32 taong gulang.

About Post Author

Previous articleHinihinalang tulak ng ilegal na marijuana, arestado sa isang buy bust sa Bgy. Sta. Monica
Next articleBritish diplomat lauds PH’ policies on environment, but cites need to improve enforcement
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.