Dec 5, 2020

Lasing na motorista, patay sa vehicular accident

Ang biktima, na ayon sa sumuring doctor ng ospital ay lasing sa alak, ay kinilalang si John Arquio, 21 anyos, residente ng Purok Talisay, Brgy. Sicsican, habang ang angkas nito ay kinilalang si Jerome Abis.

Dead on arrival sa pagamutan ang isang lalaki habang nagtamo naman ng minor injury ang angkas nito matapos na mag-crash ang sinasakyang motorsiklo malapit sa Falcon Crest Hardware, Barangay Tinuiguiban, madaling araw ng October 21, 2020.

Ang biktima, na ayon sa sumuring doctor ng ospital ay lasing sa alak, ay kinilalang si John Arquio, 21 anyos, residente ng Purok Talisay, Brgy. Sicsican, habang ang angkas nito ay kinilalang si Jerome Abis.

Sa report ng City Police Station 2 na ibinigay kay Anti-Crime Task Force (ACTF) chief Richard Ligad, nakasunod ang motorsiklong minamaneho ng biktima sa isang truck sa kahabaan ng national highway sa Tiniguiban ng mag-overtake ito. Ang truck ay paliko sa kanang bahagi papasol sa hardware.

“Unang-una, nalulungkot tayo dahil ang curfew hour natin ay hanggang alas 10 lang ng kagabi. Nangyari itong aksidenteng ito ay alas tres na nang madaling araw. Wala pang helmet ito. Kung tutuusin ay puwede pa nating kasuhan ito. Pero dahil sa sinapit, siyempre human consideration na lang,” pahayag ni Ligad.

 

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry