(Larawan mula sa PPPO)

Tatlong indibidwal ang isinugod sa ospital sa bayan ng Narra matapos masangkot sa aksidente na naganap sa kahabaan ng national road sa sityo ng Caraniogan sa Barangay Malinao, bandang 11:30 ng gabi noong Linggo, Setyembre 5.

Ayon sa ulat mula sa Police Provincial Office (PPO), nagmamaneho habang nasa ilalim nang impluwensya diumano ng alak ang driver ng Honda TMX 125 na si Lito Trinidad, 28, nang mabangga nito si Roger Buenavista, 50, na umano ay lasing din habang tumatawid ng highway.

Si Trinidad ay may back rider na kinilalang si Jerry Bungalso, 20. Kasama ito sa isinugod sa ospital dahil sa aksidente.

Ayon pa sa ulat, patungo sa direksyon ng South mula sa North si Trinidad nang mabangga nito si Buenavista dahil hindi umano niya ito nakita sa pagtawid sa madilim sa kalsada. 

- Advertisement -

Si Buenavista ay nagtamo ng bali sa kaliwang binti at si Trinidad naman ay unconscious. Ang naka back ride na si Bungalso ay nagtamo naman ng minor injury.

Previous articleDelay in meter readings cause unusually high power bills in some city areas – PALECO
Next articleThe Science vs. Art Debate in Choosing a Career
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.