Sep 28, 2020

Lalaking wanted sa carnapping, nahuli sa Quezon

Sa spot report ng Quezon Municipal Police Station (MPS), kinilala ang inaresto na si Julius Ceasar Ignacio, tubong Palawan, at construction worker na naninirahan sa Barangay San Jose, Puerto Princesa City.

Photo courtesy of Quezon MPS.

QUEZON, Palawan — Isang 21 anyos na lalaki na wanted sa kasong carnapping ang naaresto noong Sabado ng umaga sa bayan na ito.

Sa spot report ng Quezon Municipal Police Station (MPS), kinilala ang inaresto na si Julius Ceasar Ignacio, tubong Palawan, at construction worker na naninirahan sa Barangay San Jose, Puerto Princesa City.

Inaresto siya dahil sa paglabag sa Anti-Carnapping Act of 2016 sa pamamagitan ng warrant na inilabas ni Judge Ramon Chito Mendoza ng RTC Branch 165 sa Brooke’s Point. Mayroong piyansa na P300,000 na pinayagan ang korte para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Nadakip si Ignacio dahil sa isinagawang operasyon ng pulisya sa Quezon sa pangunguna ni P/Maj. Lodell Lota.

 

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry