Nadakip ng  pinagsanib na puwersa ng City Mobile Force Company (CMFC), Puerto Princesa City Police Office (PPCPO), at Roxas Municipal Police Station (MPS) ang isang wanted na lalaki sa Purok Buhanginan, Barangay San Manuel sa lungsod, noong Martes, Marso 2.

Ang suspek na kinilalang si Amsayne Mustapa Naduja, 22, ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Emmanuel Artazo ng Branch 24-Family Court, Taytay, Palawan noong December 24, 2020, para sa kasong two counts of child sexual Abuse sa ilalim ng Section 5 (b) o Republic Act 7610.

Ayon sa tagapagsalita ng PPCPO na si P/Maj. Mhardie Azares, nangyari ang insidente noong June 2020 matapos na magtungo si Naduja kasama ang nabiktima nitong ex-girlfriend na noon ay 13 anyos pa lamang, sa bayan ng Roxas matapos na maglayas ang biktima at sumama sa kanya.

Ayon pa sa nakuhang impormasyon ng Palawan News, July 5, 2020, nang nai-report ng biktima ang pangyayari sa Roxas MPS.

Dagdag pa rito, dahil sa report ng mga concerned citizen sa mga awtoridad kaya natunton ang pinagtataguan ni Naduja.

- Advertisement -

Ang kaso ni Naduja ay may piyansang P200,000 sa  bawat kaso para sa pansamantala nitong kalayaan.

Si Naduja ay naka-detain sa PPCPO sa Barangay San Pedro habang hinihintay ang commitment order mula sa korte para mailipat sa provincial jail.

Previous articleElection watchdog urges COMELEC to hold debates prior to plebiscite
Next articleCOMELEC-Bataraza naglabas ng alituntunin para sa boboto sa plebisito