Hawak na ng mga pulis sa bayan ng Roxas ang lalaking itinuturong sangkot sa padalang marijuana mula sa Makati City.

Ang inaresto ay kinilalang si Dodjie Madamay, 22, na itinuturing na No. 1 most wanted person sa provincial level.

Ayon sa report mula sa Police Provincial Office (PPO), naaresto siya noong August 16 sa Barangay 4 nang pinagsanib na puwersa ng Roxas Municipal Police Station (MPS) at iba pang yunit ng pulisya at militar, kasama ang intelligence team ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Matatandaan na si Madamay ay nasangkot sa kaso ng pagpapadala ng marijuana sa Roxas, kung saan 215 gramo ng pinatuyong dahon ang ipinadala sa kanya sa pamamagitan ng parcel mula sa isang Paolo Bautista na taga Makati City noong March 19, 2022.

Ang pagdakip sa kanya ay sa pamamagitan ng warrant na ibinaba ni Judge Paul Bataculin Jagmis Jr. ng Branch 95, Fourth Judicial Region sa Roxas noong July 27, 2022, dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, partikular na ang Section 5 na may kinalaman sa Section 26(B) ng Article II.

Habang isinusulat ang balitang ito ay nasa kustodiya siya ng Roxas MPS para sa karampatang aksyon.


ADVERTISEMENT


VACANT SPACE AT SAN MIGUEL COMMERCIAL BUILDING

Located at the San Miguel National Highway Caltex Compound beside the new airport, with an area size of 11sqm, that could be used for any business, from office type to the tourism industry.

For more information contact: 0917-712-1302 / 0995-038-2027.

About Post Author

Previous articleBagong gusali ng DA sa Palawan, pinasinayaan
Next articleDSWD to release ‘Listahanan 3’ of identified poor households in October
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.