- Advertisement by Google -

Taga ang inabot ng isang lalaki matapos nitong sawayin ang kanyang nag aamok na kapitbahay sa Purok Cherry, Barangay Sicsican, Puerto Princesa City, alas 11:15 ng gabi noong Biyernes, August 26.

Base sa report ng Police Station 2 (PS 2), papadaan lang sa lugar ang 32 taong gulang na biktimang si Randy Daganta Paduga nang mapansin nitong nagkokomprontahan ang dalawa sa kanyang mga kapitbahay.

Inawat diumano nito ang suspek na si Abraham Maraver Dalisay, 63 talong gulang, at pinagsabihang bukas na lamang ayusin ang problema sa kanyang kasagutan.

Ayon kay punong barangay Bobby Parangue ng Siciscan, nagsimula lamang sa ingay ng aso ang sagutan ng suspek sa kaniyang kapitbahay.

- Advertisement -

“Maingay na aso lang ang dahilan. Ngayon, nagwala itong si Mr. Dalisay, sinaway siya ni Paduga (cictim), pagsaway sa kanya, nagalit umuwi at kumuha ng itak. Pagbalik nagkaroon na nang komusyon, nataga na ang isa (Paduga),” salaysay ni Parangue.

Agad namang naitakbo sa pagamutan ang biktima, na habang isinusulat ang balitang ito ay sinabing nakalabas.

Dumiretso ito sa himpilan ng pulisya upang magsampa ng reklamo laban kay Dalisay na agad din namang sumuko sa mga barangay tanod, bago ito itinurn over sa mga pulis kaninang madaling araw, Sabado, August 27.

About Post Author

- Advertisement by Google -
Previous articleOur Lady of Cuyo
Next articleMagsaysay, Linapacan town mayors seek immediate delivery of health services
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.