Isang lalaki ang nasugatan sa banggaang naganap sa pagitan ng dalawang motorsiklo sa kahabaan ng national highway sa Barangay Bato-Bato, Narra, bandang 7 nang umaga ngayong araw ng Huwebes, October 7.

Sa imbestigasyon ng Narra Municipal Police Station (MPS), binabaybay ni Paul Jenn Garcia Sudara, 25 taong gulang, at residente ng Purok Maunawain, Barangay Aramaywan, ang kahabaan ng national highway sakay ng kanyang motorsiklo, nang biglang lumabas mula sa kaliwang bahagi ng kalsada si Juvani Namuco Elijan, 22 taong gulang, residente ng Purok Masaya Barangay Teresa, na nagmamaneho rin ng motorsiklo.

Dito nagkabanggaan ang dalawa kung saan nagtamo ng sugat sa paa si Elijan samantalang si Sudara ay walang natamong pinsala. Dinala ng rumespondeng ambulansya ng Citinickel sa Narra Municipal Hospital si Elijan upang lapatan ng lunas ang sugat nito.

- Advertisement -

Ang mga motorsiklo naman ay nasa kustodiya ngayon ng Narra MPS para sa kaukulang disposisyon.

Previous articleLalaki patay matapos pagtatagain ng mga pamangkin na sinigawan umano nito
Next articleU.S. delivers additional 5.57 million Pfizer-BioNTech vaccines to the Philippines
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.