Sugatan ang isang lalaki matapos tambangan ng hindi pa nakikilalang riding in tandem sa Barangay Princess Urduja sa bayan ng Narra, pasado alas dos nang Huwebes, August 5.

Ayon kay barangay chairman Rizaldy Roman ng Princess Urduja, ang biktima ay si Ariel Laxamana residente ng Brgy. Bato-Bato. Pauwi na umano ito nang bigla na lamang barilin.

“Sa pagkakaalam ko po galing yan siya sa Narra namalengke yan, may mga karton karton yong topdown niya at pauwi na ng [Brgy] Bato-Bato. Parang nasundan ata siya doon sa may bahay ni De Guzman kasi nagmula doon yong mga basyo. Nagkahabulan mga ito, sinusundan na siya, binabanatan siya,” pahayag ni Roman.

Masuwerteng nakaligtas ang biktima at naisugod na umano sa pagamutan.

- Advertisement -

“Ayon sa balita ko buhay at parang itatakbo ata ng Puerto ngayon kasi isa lang ang tama niya at medyo hindi naman ata  kaselanan ang tama niya,” dagdag pa ng kapitan.

Previous articleTatlong wanted sa illegal gambling arestado sa Aborlan
Next articleChinese fishers abandon troubled fishing boat, two dead