Patay si Edmar Arzaga matapos makasalpukan sa kalsada ang isang shuttle van sa Barangay Bato, Taytay, noong hapon ng April 4. Nasa ospital naman ang kanyang asawa at dalawang taong gulang na anak at nagpapagaling.

Dead on the spot ang isang lalaki matapos sumalpok ang kanyang minamanehong motorsiklo sa nakasalubong na pampasaherong van noong hapon ng April 4 sa Purok Sur, Barangay Bato, Taytay.

Kinilala ang biktima na si Edmar Arzaga na residente ng Sitio Kansilayan sa nasabi rin na barangay.

Ayon sa saksi sa aksidente na si Pastor Norlito Rodil, mabilis pareho ang takbo ng motorsiklo at ng shuttle van sa kalsada na dahilan ng naging kamatayan ni Arzaga.

Sa lakas ng impact ng banggaan ay tumilapon ang biktima at ang sakay nitong asawa at anak na dalawang taong gulang. Isinugod sila agad sa Northern Palawan Provincial Hospital (NPPH).

Base naman sa paunang imbestigasyon ng Taytay Municipal Police Station (MPS) sa pamamagitan ni Police Senior Master Sergeant Francis Jaranilla, lumalabas na nag-overshoot ang motorsiklo at pumasok sa lane ng shuttle van.

Sinasabi din sa inisyal na imbestigasyon na nasa impluwensya ng alak ang biktima na papunta sana sa bayan ng Roxas galing ng Kansilayan.

Galing sa Puerto Princesa City ang shuttle van ng El Nido Cooperative Van na may plakang #VA1134 at patungo na sa bayan ng El Nido. Minamaneho ito ni Antonio Jemina.

Previous articleDICT turns over Tech4ED computer packages to 17 Palawan schools
Next articleGod’s mercy has no expiry date