(Photo Courtesy of El Nido MPS)

 

Isang personal na alitan ang nauwi sa pagkamatay ng isang lalaki sa El Nido matapos itong tagain ng sarili nyang pinsan Miyerkules sa Sitio Abuay, Barangay Villa Paz.
Ang biktima na si Armando Bataluna ay namatay dahil sa isang hack wound na kanyang tinamo sa leeg matapos siyang tagain ng suspek na kinilala ng pulis na si Noli Larosa Paduga, 42.
Ayon kay P/Capt Ric Ramos, tagapagsalita ng Provincial Police Office (PPO), may personal na galit ang suspek sa biktima, na kanyang pinatay habang naglalakad sa isang madilim na eskinita sa kanila lugar.
“Nagkahamunan sila, sinabihan ang victim na pumunta doon, kasi magkapitbahay lang so pumunta naman yong victim doon. Pagpunta nya doon hndi nya akalain na doon sa unlighted area nakaabang na yong suspek at tinaga siya, tinamaan sa leeg. Isa lang yong tama niya, isang hack wound, pero fatal siya, mortal wound siya kasi nasa leeg yong tama nya,” ayon imbestigador.
Ayon sa ulat naman ng PPO, tinangka pang tumakas ni Paduga ngunit nahuli rin ng mga awtoridad at narekober mula sa kaniya ang bolo na ginamit sa pagpatay.

About Post Author

Previous articleMangrove propagules planted in Bucana-Matahimik
Next articleStress debriefing para sa mga guro ng Agutaya, isinagawa
Jayra Joyce Cañete Taboada handles the law and order and the science and education beats. She is also a licensed professional teacher.