(Screengrab from Google Maps)

Patay ang isang lalaki matapos itong pagtatagain ng kanyang dalawang pamangkin na lalaki kaninang umaga sa Purok Silangan, Barangay Concepcion sa Puerto Princesa City, dahil sa pangunguha ng bato.

Ang biktima ay kinilalang ang caretaker Prudencio Hugo, samantalang ang dalawang suspek ay pinangalanan na ang magkapatid na sina Rene at Romel Silan.

Ayon sa source ng Palawan News, sinigawan umano ni Hugo ang kanyang mga pamangkin at sinabihan ang mga ito na garapal ang mga magulang. Noong una ay umalis daw ang dalawa para makaiwas sa gulo, ngunit sinundan pa ito ng tiyuhin.

Ang biktima ay kinilalang ang caretaker Prudencio Hugo, samantalang ang dalawang suspek ay pinangalanan na ang magkapatid na sina Rene at Romel Silan.

“Sinabihan sila ng tiyo na huwag umuha ng mga bato doon sa dagat o pebbles, sinabihan pa sila na garapal ang tatay nila na matagal na rin namang patay na. Katwiran nilang mag-kapatid, bakit ang iba ay pinapayagang kumuha ng bato doon, bakit sila na kamag-anak binabawalan,” ayon sa source ng Palawan News na humiling na huwag pangalanan.

- Advertisement -

Para makaiwas pa din daw sa gulo, naunang umalis si Rene patungo sa unahan ng lugar at doon umano namulot ng bato, ngunit sinundan ito ng tiyuhin saka umano sinuntok.

“Sinuntok niya si Rene, kaya yong kuya na si Romel, sinita niya ang tiyuhin kung bakit niya sinuntok. Tapos siya naman ang pinagbalingan na akmang tatagain kaya, pumulot na ng bato si Rene saka hinampas sa tiyuhin. Tapos hindi na daw nila alam ang sunod na nangyari. Di nga daw nila alam kung sino ang nakataga at nakapatay sa tiyuhin nila,” pahayag ng source.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng mga pulis ang magkapatid na suspek.

Previous articleDBP approves P40-billion infra loans
Next articleLalaki sugatan sa banggaan ng motorsiklo sa bayan ng Narra
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.