Photo from Google Maps

(TRIGGER WARNING: This story has potentially upsetting content. Readers should exercise caution.)

Patay ang isang lalaki matapos aksidenteng mahulog sa manhole ng isang barge habang naglilinis sa Sitio Marabahay, Barangay Rio Tuba sa sa bayan ng Bataraza, bandang alas 10 ng umaga kahapon, October 12.

Base sa report ng Bataraza munipal police station, abala ang 44 taong gulang na biktima na kinilalang si Michael Bilbao Seco, kasama ang ilang katrabaho nito para sa paghahanda sa inspection na isasagawa ng MARINA, nang mangyari ang aksidente.

Ayon pa sa report, nakita ng biktima na may tubig ang manhole kaya binaba niya ito upang sukatin ang taas. Matapos sukatin, paakyat na sana ang lalaki ngunit nadulas ito sa hagdanan at nahulog sa tubig na naging sanhi ng pagkalunod.

Sinubukan pa umanong tulungan ng kasamahan si Seco ngunit nahirapan ito sa paghinga.

Matapos maiahon, agad na dinala ito sa Rio Tuba Nickel Foundation Incorporated Hospital kung saan ito idineklarang dead-on-arrival.

About Post Author

Previous articlePuerto Princesa City anticipates return of cruise ship tourism
Next articleDILG’s help sought to boost COVID-19 vaccination rate in Palawan
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.