Ang biktima ay kinilalang si Jayson  Santos Lopez, at ang suspek naman ay kinilalang si Manuel Ellorin Rosal, parehong 46 taong gulang.

Isang lalaki ang nasawi matapos na paghahampasin at saksakin ng lalaking nauna nitong tinaga sa Sitio Tagumpay, Barangay  Inagawan-Sub, Puerto Princesa City, alas 3:30 ng hapon noong araw ng Huwebes, Agosto 5.

Ang biktima ay kinilalang si Jayson  Santos Lopez, at ang suspek naman ay kinilalang si Manuel Ellorin Rosal, parehong 46 taong gulang.

Sa imbestigasyon ng pulisya, pumasok si Lopez sa bahay ng isang Mary Grace Castillo bitbit ang isang itak saka hinawakan ang katawan nito. Nagbanta si Castillo na magsusumbong ito sa mga awtoridad at nagkapalitan ng salita ang dalawa at nagkainitan.

Nang mapansin ito ng napadaang si Rosal, sinabihan nito si Lopez na tigilan si Castillo at huwag itong patulan. Dahil dito, nabaling sa kanya ang atensiyon ni Lopez kaya sinugod siya at biglang tinaga na tinamaan sa kaliwang bahagi ng kanyang ulo.

- Advertisement -

Matapos mataga, mabilis na umuwi sa kanyang bahay si Rosal at pagbalik nito sa bahay ni Castillo, dala na nito ang isang steel pipe at hinataw si Lopez.  Sa tindi ng tama ay bumagsak si Lopez at dito inilabas ni Sarol ang kutsiyo at pinagsasaksak ang biktima na naging dahilan nang pagkasawi nito.

Matapos ang insidente ay muling umuwi ng bahay ang suspek bago sumuko sa mga awtoridad.

Narekober naman sa kanyang bahay ang tubo at kutsilyo na ginamit sa krimen.

Previous articleWater district assures enough supply for next 10 years with inauguration of WSIP II
Next articleBFP awards 1st KAISA Manifesto of Support in Palawan to SM City Puerto Princesa
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.