Isang lalaki ang nasawi matapos tagain ng nakaaway nito sa Barangay Punang, bayan ng Sofronio Española, dakong 10:00 ng gabi nitong Biyernes, October 1.

Ang biktima ay kinilalang si Rolly Arcuyo Perrol, 52 taong gulang na pansamantalang naninirahan sa nasabing lugar.

Kinilala naman ang mga suspek na sina Rosebert Velasques Jardinero, 32 taong gulang at Mastali Dugay Tejares a.k.a. “Tantan”, 42 taong gulang, kapwa mga residente ng nabanggit na lugar.

Ayon sa imbestigasyon ng Sofronio Española Municipal Police Station (MPS), lasing na ang mga suspek nang pumunta sa bahay ng biktima at inaya nila ito para uminom subalit tumanggi ito na nagresulta sa kanilang mainitang pagtatalo.

- Advertisement -

Pagkatapos nito ay pumasok na si Perrol sa kanyang kubo upang magpahinga kasama ang kanyang live-in partner subalit makalipas ang ilang minuto ay lumabas ito para umihi.

Wala itong kamalay-malay na ang mga suspek ay naghihintay pala sa labas ng kubo at bigla na lang siyang tinaga ni Jardinero.

Ang biktima ay nagtamo ng sugat sa likod na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Ang mga suspek na positibong kinilala ng live-in partner ng suspek ay agad namang naaresto ng operatiba ng Sofronio Española Municipal Police Station (MPS), sa isinagawang manhunt operation.

Ang dalawa ay nasa kustodiya ngayon ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.

Previous articleSan Vicente youth take time out to help the environment
Next articleVG Dennis Socrates, pormal na naghain ng candidacy sa pagka gobernador
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.