Isang lalaki na may kinakaharap na kaso dahil sa paglabag sa environmental law ang nahuli sa bisa ng warrant of arrest sa Barangay Marangas, Bataraza, bandang 9:50 ng umaga noong August 20.
Isinagawa ng Bataraza Municipal Police Station (MPS) ang operasyon katuwang ang Provincial Intelligence Unit-Palawan, 3rd Platoon ng 1st Provincial Mobile Force Company, 401st B Marine Company ng Regional Mobile Force Battalion, Special Operations Unit-Maritime Group Rio Tuba Sub-Station at Provincial Highway Patrol Team-HPG.
Nahaharap ang lalaki sa paglabag sa Section 77 ng Presidential Decree No. 705 o Revised Forestry Code of the Philippines. Saklaw nito ang illegal cutting, gathering, possession o pag-iingat ng forest products nang walang kaukulang permit.
Ang kaso ay nakatala bilang Criminal Case No. 25-02314-BAT, habang ang warrant of arrest ay inilabas ng Regional Trial Court Branch 165 sa Brooke’s Point.
Nagtakda ang korte ng ₱24,000 bail para sa temporary release ng lalaki.
Nasa custody na siya ng Bataraza MPS para sa documentation at proper disposition.



