Photo courtesy of Palawan Maritime Police SBU Facebook

NARRA, Palawan- Nadakip ng pinagsanib na pwersa ng DENR-Quezon-Narra Extension Office, Quezon Maritime-Special Boat Unit(SBU) ang isang lalaki sa Barangay Poblacion sa bayang ito matapos na maaktuhan na nagluluwas ng kahoy na walang kaukulang dokumento na maipakita sa awtoridad noong araw ng Huwebes, Marso 4.

Ang suspek ay kinilalang  si Joseph Francisco, nasa tamang edad at residente ng barangay Malinao.

Ayon kay P/Lt. Anna Abenojar, tagapagsalita ng PNP-Maritime Group, nakumpiska sa suspek ang 25 piraso ng tablang apitong na tinatayang mahigit 100 board feet sakay sa kanyang topdown na dadalhin sana mula sa kanyang tahanan sa barangay Malinao at ihahatid sana sa kanyang buyer sa barangay poblacion.

Si Francisco ay mahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Section 77 ng Presidential Decree 705 o ang Forestry Reform Code of the Philippines

- Advertisement -

Previous articleMSU eyeing its extension campus in Brooke’s Point
Next articleMGB MIMAROPA assesses proposed river dredging zones in OccMin
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.