Ang naganap na ground breaking ceremony sa itinatayong Enhanced Satellite Clinic sa barangay Macarascas,Puerto Princesa City sa pangunguna ni City Mayor Lucilo Bayron kamakailan. (Larawan mula sa City Information Department)

Isinagawa kamakailan ang groundbreaking ceremony sa itinatayong Enhanced Satellite Clinic sa Barangay Macarascas dito sa Puerto Princesa City.

Sa kaniyang naging talumpati, sinabi ni Macarascas barangay captain Jane Villarin na nagpapasalamat sila sa pamahalaang panglungsod sa pamumuno ni Mayor Lucilo Bayron dahil matagal na nilang inaasam na magkaroon ng satellite clinic.

Aniya, sa tuwing may nagkakasakit sa kanilang barangay ay nangangamba ang kanilang mga residente na hindi na umabot sa ospital ang kanilang pasyente dahil sa layo ng ospital sa kanilang lugar. Nasa 48 kilometro kasi ang layo nito sa poblacion area ng lungsod kung saan naroon ang mga ospital.

Samantala, hiniling  naman ng Punong Lungsod sa mga residente na ingatan ang Enhanced Satellite Clinic na pakikinabangan rin ng mga karatig barangay sa bahaging norte ng siyudad.

Matatandaang sinabi noon ng City Health Office na ang itinatayong (ESC) ay mayroong mga pasilidad na kahalintulad ng klinika na nasa bayan na maaaring tumugon sa medikal na pangangailangan ng mga residente dito tulad ng  pharmacy o botika.

Ang proyekto ay nagkakahalaga ng P31,979,597.53 na mula  sa General Fund 2020 ng pamahalaang lungsod. Maliban sa ESC sa barangay Macarascas ay mayroon ring itatayo sa iba pang malayong barangay. (MCE/PIA MIMAROPA)

About Post Author

Previous articleStronger measures sought to save young girls from sexual assault, unwanted pregnancies
Next articleBiggest PH hybrid travel trade expo slated in September