Naghahanda na para sa global launching ng kanilang vaccine na mRNA-1273 laban sa COVID-19 ang American biotechnology company na Moderna, ayon sa balitang ilabas ng Xinhua, araw ng Biyernes.

“We are actively preparing for the launch of mRNA-1273 and we have signed a number of supply agreements with governments around the world,” sabi ni Moderna CEO Stephane Bancel sa isang statement na inilabas sa pamamagitan ng Philippine News Agency (PNA).

Dagdag sa Phase 3 study ng COVID-19 vaccine na mRNA-1273 na fully enrolled, ang Moderna ay mayroon nang apat na programa sa Phase 2 studies, ayon kay Bancel.

“Moderna is committed to the highest data quality standards and rigorous scientific research as we continue to work with regulators to advance mRNA-1273,” sabi niya.

Noong October 22, ay nakumpleto ng Phase 3 study ang pag-e-enrol ng may 30,000 partisipante na may 37 percent mula sa diverse communities.

Ang Phase 1 interim analysis ng vaccine na na-publish sa The New England Journal of Medicine noong July 14 ay nagpapakita na ang mRNA-1273 ay “well-tolerated” sa lahat ng age groups at nag-induce ng rapid at strong immune response laban sa SARS-CoV-2.

 

About Post Author

Previous articleHarvest Fair 2020 supports farmers from Palawan towns
Next articleDSWD pinag-aaralan ang pagkakaroon ng online discount ng senior citizens at PWDs