Sa larawan ay makikita ang dalawang suspek na sina Edison Nonong Pradilla at Lea Palanca habang iniimbestigahan ng awtoridad matapos silang maaresto sa buy-bust operation. | Photo courtesy of PS 1

Inaresto ng awtoridad ang kapwa kolektor ng isang health insurance company matapos mabilhan sila ng pinatuyong dahon ng marijuana sa buy-bust operation sa South National Highway sa Barangay San Pedro, Puerto Princesa City, Martes ng 11:30 ng umaga, Hunyo 22.

Ayon sa Police Regional Office (PRO)-MIMAROPA, ang dalawa ay sina Edison Nonong Pradilla, alyas Ike at Johnson Luis, 20, at si Lea Palanca, na nadiskubre din na mga miyembro ng Fermin delos Reyes group.

Ang mga drug evidence at non-drug evidence na nakumpiska sa mga suspek. Sa kaliwa ay makikita ang pinatuyong dahon ng marijuana na nakabungkos sa plastik. | Photo courtesy of PS 1

- Advertisement -

Nakuha mula sa kanila ang isang balot ng marijuana na nabili sa halagang P2,500 ng undercover agent ng Puerto Princesa City Police Office (PPCPO) Drug Enforcement Unit.

Nakuha sa dalawa na kapwa rin residente ng Brgy. San Pedro ang isang ballot ng Marijuana na nabili sa halagang 2, 500 pesos ng asset ng City drug enforcement Unit.

Ang dalawa ay sasampahan ng kaso dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Previous articleDoT anticipates return of nature tourism
Next articleTHE WORLD IS YOUR CLASSROOM: Choose to study in the safest place abroad
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.